Monday, 9 October 2017

Motivational Filipino Quotes

Motivational Filipino Quotes

Ang mga problema ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap, ito ay mga gabay lamang.

*     *     *     *     *

Lahat ng problema nasusulusyunan, kailangan mo lang tumayo at harapin yung mga bagay na dapat dati mo pa hinarap.

*     *     *     *     *

Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.

*     *     *     *     *

Ang bawat kabiguan sa buhay ay paraan para patuloy kang magpursigi kahit na sa tingin mo naabot mo na lahat ng yong mga pangarap


Lahat ng bagay, pinaghihirapan. ‘Di matamis ang tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan.

*     *     *     *     *

Mangyayari ang lahat ng gusto mo kung patuloy kang maniniwala. Kailangan mo lang ng pananalig at lakas ng loob na magagawa mo lahat ng nanaisin mo

*     *     *     *     *

Ang pinakamalaking pagkakamali na maaaring gawin ng isang tao, ay ang patuloy na isipin na gagawa siya ng mali.

*     *     *     *     *

Nakadepende ang pagiging maligaya sa buhay hindi sa kung anong meron ka, kundi sa kung ano ang pananaw mo sa mga bagay-bagay.

*     *     *     *     *

Ang negatibong tao ay nakakakita ng problema sa bawat pagkakataon. Ang positibong tao ay nakikita ang pagkakataon sa bawat problema.

No comments:

Post a Comment